Ganito Pa Rin Ako
Sunday, July 18th, 2010
Di Makatulog isip ay hilo
Walang magawa kundi ang mangarap
Nagsasaing ako nang walang bigas
Heto’t ganito pa rin ako
Bago tsumibog ako’y nagkakape
Nawawalan ako ng ganang kumain
Sumasakit ang tiyan kapag nasobrahan
Heto’t ganito pa rin ako
Ganito pa rin ako
Kailan pa kaya ako magbabago





























































